ANG WEBSAYT NG ISANG PANKISTA


******************




Sunday, March 25, 2007
5:56 PM

Subject: 3 days until graduation!
By: Freaky_pankista

Shet, sandali nalang graduate na ko. Hindi ko alam kung malulungkot o matutuwa. Kasi sa totoo lang, hindi ako ganoong nag-enjoy ng High School ko. Ang palagi ko lang sigurong maalala eh yung puro aral. :( Kaya nga minsan gusto ko nlng sa non-cream eh. Makakapag-aral ako pero mag-eenjoy din naman. Parang nung grade school. Mas marami akong maliligayang araw noong GS. Kanina may lesson din ako kay tito ray. Kahapon, may practice sa school, whole day. Dala ko yung violin ko, pero hindi na kami tutugtog eh. trinanspose kasi ni Madam Lopez tapos ngayon puro sharps na! Kainis. Yung Prayer of Rupert Mayer, parang ayaw ko nang tumugtog. GgggRrr.


end of entry.



Thursday, March 22, 2007
8:44 PM

Subject: 6 days to go before graduation!
By: Freaky_pankista

Kanina half-day lang ang practices namin. 1:00 to 4:00. At officially magviolin na ako sa graduation song! YEsH, gustong gusto ko pa naman yung song namin. Sana maging maayos. Buti nalang kami na nila Grazielle ang magviolin.
three days to go at nandito na si mama! Tapos two days nalang grad na! :(


end of entry.



Wednesday, March 21, 2007
5:17 PM

Subject: 7 days until graduation!
By: freaky_pankista

Hay nako, one week nlng tapos na ang high school. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Ah well... Kanina napahamak nanaman ako dahil kay Jobec. Kasi naman... pinagguitar ba naman ako. OK lang naman sa akin kaso parang hindi na nila kailangan ng guitar tsaka aasarin nanaman nila ako kay Arthur. Ang sabi ko lang nabilib ako sa kanya kasi hindi ko akalain na marunong siyang magpiano. Anyway, nalaman ko na nagviolin pala si madam Lopez. Hmmm. Tsaka sana magviolin nalang ako sa "Go the Distance." Ang ganda talaga nung kantang yun. kinilabutan ako kanina nung kinakanta namin. Noong bata ako, favorite Disney song yun tsaka favorite movie ko yung Hercules. Hanggang ngayon, adik ako sa greek mythology tsaka books ni Homer na Iliiad at Odyssey.

Kanina umalis sina Lei papuntang gateway. hindi nanaman ako nakasama. Ayoko rin naman, minsan kasi gusto ko lang ng time para sa sarili ko. Tsaka gagastos nanaman ako eh hindi ako humingi ng pera kuna mama.


end of entry.



Tuesday, March 20, 2007
10:56 PM

Subject: Success ba ang thanksgiving mass? 8 days to go before graduation!
By: Freaky_pankista

Congrats sa lahat ng 4th year kasi gragraduate na tayo! :) 8 days to go before graduation. Kawawa naman si AA, ang daming mali kanina. Heehee, kung kilala niyo yun wag kayong maingay. Grezzy, kaya mo ang mga pangyayaring nakakainis kanina. Oo, nakakainis, pero 8 days nalang hindi mo na siya makikita.


end of entry.



Sunday, February 25, 2007
8:26 PM

Subject: NABUHAY!
By: Freaky_pankista

hey peeps! sorry kung ngayon lang ako nagpost ulit! Anyway, aalis na si papa bukas papuntang Singapore. Tapos nasa akin yung card sa Metrobank. Bwahaha! bwahahahaha!!! Wala na rin dito sa bahay ang aking mga tita. Nakadedicate sa kanila ang previous kong entry. Yung isa nga pala nagpaconvert na Iglesia ni Cristo. Matatanggap ko siguro kung ang dahilan ay yung paniniwala niya umayon na sa Iglesia... pero kung dahil lang ito sa pressure ng boyfriend niya, kawawa naman siya. Walang pupuntahan ang relationship nila. Mag-ingat ka nlng Ate Ava.

Hmmm, ang daming nangyari noong mga nakaraang araw ano? May bago na akong housemates dito, sina tito Niel, tita Lai and kids. At mgayon may sarili na akong kwarto.

Congrats sa 4- Matipid dahil nanalo kami sa Choral Competition. 1st place man! Yebah!!! Choral Competition! Pasensya na kayo sa mga mali ko dun ah...
Sayang talaga yung sa PE Contemporary Contest, kaya natin to, sa totoo lang deserving naman talaga tayo. Pero baka mas deserving ang Tagumpay.

Tapos na rin ang exams ng mga Seniors! Congrats sa ating lahat kasi ang galing nating lahat. Sana pagdating ng College ay magkakakitaan parin tayo.

Naku naman, ang tagal ianounce yung music awardees. Alam ninyo, kahit wala akong honors at kahit anong award basta meron akong award sa guitar, tuwang-tuwa na ako don. Pero salamat ke God, kasi generous siya sa lahat ng blessings niya sakin. Kahit madrop-dead na 'ko ngayon, ok lang! *joks lang*

Sana puntahan niyo rin ang account ko sa multiply at sa youtube, pati na sa deviantart.
http://freakypankista.deviantart.com
http://youtube.com/freakypankistaoo4
www.freakypankista.multiply.com

Kung bakit freakypankista ang lagi kong username ay wag niyo nang itanong sa akin - di ko rin alam. Feel free to comments sa Tag board ko! Over and out...


end of entry.



Monday, January 01, 2007
10:40 PM

Subject: HAPPY NEW YEAR! AND Belated MERRY CHRISTMAS!!
By: Freaky_pankista

Happy Holidays sa inyu!! kainis ano, ang ikli ng bakasyon. Mag-aaral nanaman ako kasi hindi ko pa tinake yung quarterly exams ko. GRRRR. Dami kong blessings ngayong December. Hindi lang yung material things.
UUnga pala, check out my deviantart account : http://www.freakypankista.deviantart.com/ Ala lang.


end of entry.



Tuesday, December 26, 2006
8:19 PM

Subject: Whatever stuff!
By: Freaky_pankista

Walang magawa dito, kaya nanonood lang kami ng movies. Eto yung mga movies. Hindi kasi ako mahilig sa movie stars. Pati nga yung title di ko alam.

1. Angel eyes- J.lo and yung Jesus sa The Passion? Ang hot niya. Anung name nun Marella?
2. Rain-something. Tungkol sa isang rookie lawyer? Against an Insurance Company?
3. Forrest Gump- Just realized na yung song ng the killers na Jenny was a friend of mine eh galing dito. Tapos sabi rin ni papa yung Huling el Bimbo. LOL!
4. Over the Hedge. Parang pang sampu ko na to.
5. Chocolate? JOHNNY DEPP + Chocolate + Pirate + long hair + guitar + stubble = HOTNESS.

Tapos I just wrote 4 new songs ngayong week. Ala lang. Siguro post ko nalang yung iba, after a while.


end of entry.



Name: Alia Marie A. Bayaca
Age: 16

Links
Youtube account
My Multiply